Tuesday, 2 December 2014

Multo

Ano nga ba ang multo? 
Kathang isip nga lang ba o totoo?
Guni-guni ba ito o isang salamin
Ng ating isipan na madilim.

Imahe nga lang ba ito ng kasinugalingan
O litanya ng ating kabuktutan?
Iwasan man ng pilit ay lumalapit 
Ang kapit sa atin ay buong higpit.

Ang lamig daw na dulot ay kakila-kilabot
Buong kalamnan ay sukat na mamaluktot. 
Tibay ng loob ay namaalam 
Lugmok na damdamin ang tanging naiwan.

Bakit ka nga nahihintakutan?
Bakit di mo harapin ang multo ng buong husay?
Hangal na pananaw ay ibasura 
Harapin ang bukas ng may pag-asa. 

Nyayon sana ay batid mo na 
Ikaw at ako ay multo pala 
Hangin at kawalan ang kasama
Kung tayo ay alipin sa diwa ng iba.

No comments:

Post a Comment

Note: only a member of this blog may post a comment.