Kabataan ikaw nga ba ang pag-asa
Ng bayang lugmok na sa problema?
Ginagawa ng mga nakatatanda tila
Wala ng saysay at di na naghihimala.
Kaalamang huwad namayagpag
Puso at kaluluwa di makapalag.
Materialismo at kapaguran sinalamin
At siyang naging pamantayan natin.
Ano pa’t mga kabataan
Sa ganitong kalagayan nasanay.
Kabuluhan ng buhay ay sinukat
Sa mga bagay na lumilipas din ng sukat.
Hindi masamang umunlad
Kung sa paglago ay di tayo lalayo
Sa katotohanan na ang Diyos ang nagbibigay
At may kakayanang bumawi maging sa lahat ng bagay.
Dalangin ko na maimulat natin
Sa kabataan na sa hinaharap ay iiwan din natin
Pagkilala sa Diyos na lumikha at dakila
Buhay nila ay lulubos at magiging malaya.
No comments:
Post a Comment
Note: only a member of this blog may post a comment.