Cesare Paverse, an Italian novelist once said that, we do not remember days, we only remember memories. Years may pass between events but what normally stays in mind are the joys or pain a certain event has left our memory. Sadly or joyfully our approach to events of togetherness can be predicted from our take on that last event we were in. I guess, when it comes to accepting each other's personalities we don't mature so quickly. Either that we bore a grudge for wrong judgment on us by someone or that we reached cloud nine because someone encouraged us and said meaningful words to us. If you were to ask me, I would never trade those times that warmed my heart. Those I will keep in my memory bank till God calls me home. There will be bad days all right but I tell you, nothing can compensate an injured pride. Years may pass but that injury will be hardly cured or not at all. If we can just retreat for a second and think before we utter a word that kills, that would be our best gift to ourselves.
If Paverse were true, then why not create memories that lift the spirit, bring smile to the faces of people, and most importantly warm their hearts.
I am 47 years old , and I am happy to have had wonderful times with you. :)
Wednesday, 31 December 2014
Tuesday, 2 December 2014
Multo
Ano nga ba ang multo?
Kathang isip nga lang ba o totoo?
Guni-guni ba ito o isang salamin
Ng ating isipan na madilim.
Imahe nga lang ba ito ng kasinugalingan
O litanya ng ating kabuktutan?
Iwasan man ng pilit ay lumalapit
Ang kapit sa atin ay buong higpit.
Ang lamig daw na dulot ay kakila-kilabot
Buong kalamnan ay sukat na mamaluktot.
Tibay ng loob ay namaalam
Lugmok na damdamin ang tanging naiwan.
Bakit ka nga nahihintakutan?
Bakit di mo harapin ang multo ng buong husay?
Hangal na pananaw ay ibasura
Harapin ang bukas ng may pag-asa.
Nyayon sana ay batid mo na
Ikaw at ako ay multo pala
Hangin at kawalan ang kasama
Kung tayo ay alipin sa diwa ng iba.
Kathang isip nga lang ba o totoo?
Guni-guni ba ito o isang salamin
Ng ating isipan na madilim.
Imahe nga lang ba ito ng kasinugalingan
O litanya ng ating kabuktutan?
Iwasan man ng pilit ay lumalapit
Ang kapit sa atin ay buong higpit.
Ang lamig daw na dulot ay kakila-kilabot
Buong kalamnan ay sukat na mamaluktot.
Tibay ng loob ay namaalam
Lugmok na damdamin ang tanging naiwan.
Bakit ka nga nahihintakutan?
Bakit di mo harapin ang multo ng buong husay?
Hangal na pananaw ay ibasura
Harapin ang bukas ng may pag-asa.
Nyayon sana ay batid mo na
Ikaw at ako ay multo pala
Hangin at kawalan ang kasama
Kung tayo ay alipin sa diwa ng iba.
Kamulatan
Kabataan ikaw nga ba ang pag-asa
Ng bayang lugmok na sa problema?
Ginagawa ng mga nakatatanda tila
Wala ng saysay at di na naghihimala.
Kaalamang huwad namayagpag
Puso at kaluluwa di makapalag.
Materialismo at kapaguran sinalamin
At siyang naging pamantayan natin.
Ano pa’t mga kabataan
Sa ganitong kalagayan nasanay.
Kabuluhan ng buhay ay sinukat
Sa mga bagay na lumilipas din ng sukat.
Hindi masamang umunlad
Kung sa paglago ay di tayo lalayo
Sa katotohanan na ang Diyos ang nagbibigay
At may kakayanang bumawi maging sa lahat ng bagay.
Dalangin ko na maimulat natin
Sa kabataan na sa hinaharap ay iiwan din natin
Pagkilala sa Diyos na lumikha at dakila
Buhay nila ay lulubos at magiging malaya.
Amihan
Amihan salamat at nariyan ka.
Haplos mo ay kaginhawahan
Ihip mo ay isang musikang kariktan
Dala mo ay kahinahunan.
Ni minsan di nangalit
Unos ma'y masumpungan
Kaaliwan ay likas
Panahon man ay lumipas
Sa iyong pagdating ako'y nakaantabay.
Pagod ng buong katawan
Sa hilahil at pagpapagal
Naiibsan magkaminsa'y lubusan.
Ang wika ng iba ikaw ay papanaw
Dahil sa iyon ang itinakda.
Dalangin ko sana ay huwag naman.
Ngunit ano pa nga ba ang aking magagawa?
Subscribe to:
Posts (Atom)