Sunday, 7 April 2013

Bayani Kong Tunay

Sa aking kabataan ikaw ay tiningala
Walang masabi kundi ang humanga.
Pagmamahal mo sa bayan ay sadyang dakila
Bansang Pilipinas ay pinagpala.
Kahanga-hangang  tunay ang iyong mga nagawa
Ikaw ay inspirasyon at magandang halimbawa.


Utang namin sa iyo ang kasalukuyan
Kung di sa iyong pagpupunyagi
Sampu ng mga bayaning tumuligsa
Sa pang-aapi ng mga mananakop sa ating bansa
Marahil bansang banyaga ay nagpatuloy
Pang-aalipin sa puso ng bayan dumadaloy.


Walang katulad ang iyong kahusayan 
Sa anumang larangan ikaw ang number one 
Henyo ka mang naturingan 
Kababaan ng loob mo ay kinainggitan.
Pamahalaang Kolonial natuliro
Tanong ng mga namumuno, bakit nangyayari ito?

Noli Me Tangere at El Filibusterismo,
Isinulat ng buong tapang
Isiniwalat totoong kalagayan
Kanser ng lipunan matagal napabayaan. 
Rizal, bayani kong tunay, maraming salamat sa lahat. 
Nang dahil sa iyo, nagagawa namin ito. 

Ipinagmamalaki kita sa iyong pagpunyagi
Mga Pilipinong dating sawi ngayon ay wagi 
Kalayaang hinangad ay natamasa,
Bansang Pilipinas ngayon ay kinilala.
Rizal, bayani kong tunay, maraming salamat sa lahat.
Nang dahil sa iyo, nagagawa namin ito. 


1 comment:

  1. And this is the song... Thank you Ms. Angie for the remarkable poem... Ü

    https://www.youtube.com/watch?v=7bw6By1zWHs

    ReplyDelete

Note: only a member of this blog may post a comment.