Saturday, 27 September 2014

Pasulong


Maramdaming awit sa di kalayuan ay narinig
Saliw na pumukaw sa alaalang mapanglaw
Sa puso at isipan pilit na inihimlay
Tuwirang kinalimutan at piniling mabuhay.
Ngunit bakit ang puso ko sa bilis ng  pagtibok
Hininga ko ay sukat na malagot.

Ang tadhana ay sadyang mapaglaro
Lungkot na dala ay napakarami pa
Mapayapang buhay na hinangad ng labis
Naramdaman ng sandali ay biglang aalis.
Kalooba'y inusig kung bakit nagpadala
Ang akala mong totoo ay kasinungalingan lang pala.

Sa sobrang pagod ng isip, ako'y napaupo
Pigilan mang gunitain ang alaalang masakit
Ito'y nagsusumiksik, ang diddib ko ay nanikip.
Sa aking inis, mga paa'y pinadyak-padyak
At sa sarili'y winika, "Lumakad ka ng pasulong!
Umusad ng dahan-dahan at huwag ng lilingon!"

No comments:

Post a Comment

Note: only a member of this blog may post a comment.